Sunday, September 8, 2019

Kubo at Numana Farm - Angat Bulacan


Naghahanap ka ba ng lugar kung saan ka makakapag relax?
Gusto mo ba ng tahimik lang na parang nasa probinsya?
Numana Farm is a must visit place in Bulacan!

Last year umuwi kami ng family ko sa Pilipinas and since first time ni Rema ang umuwi naghanap ako ng place na ma eenjoy nya at syempre kami rin mag asawa.

 Mahilig si Rema sa animals, months before kami magbakasyon may farm kami na pinuntahan dito sa Oman. To be honest, yung farm nila is hindi ung farm na ine expect ko. So nag decide ako na mag search ng farm sa Pilipinas, may mga nakita ako around Batangas (masyadong malayo samin), taga Bulacan kami. I keep searching in Airbnb, di ko na matandaan kung paano pero biglang nakita ko ang Numana Farm. First time na makita ko ang pictures, sabi ko eto na! Na love at first sight talaga ako (sa picture pa lang yun).

Matagal ko ng gustong magka farm, yung nakita ko sa Numana halos same ng nasa plano ko. Kaya nag book na talaga ako, may dalawa silang pinapa rent. One is kubo (good for couple & small family) and the other one is casita (for big family or group of friends).


Numana Farm is located in Pulong Yantok Angat, Bulacan, looban ang farm kaya dapat may sasakyan ka. Pagdating namin sa farm sobrang tahimik, walang nagrent sa Casita kaya kami lang talaga ang customer sa farm. Btw, ung Kubo ang nirent namin, gustong gusto ko kasi ung itsura, probinsya style. May pa welcome drinks sila (nagustuhan ko).


At sa loob ng kubo may complimentary snacks and coffee sila. Yan ang gustong gusto natin, may palibre! :)

Eto naman ang itsura ng kubo outside, sa ibaba may duyan sila at upuan pag gusto mong magmuni muni. Nung nandyan kami tag ulan,kaya malamig talaga.

Itsura ng room namin, super nakaka relax ang room. Yung bed parang nang aakit na matulog ka na agad. Meron din sila television (that time hindi gumagana ang tv) pero ok lang din hindi naman namin bet manood that time. At ang CR nila, mapang akit na maligo ka ng 3x a day! Modern Kubo talaga!

Magkaharap lang ang Casita & Kubo, sa laki ng farm yan lang ang pinapa rent nila, siguro para ma maintain din ang katahimikan.

 Kung gusto mong mag picnic, may mat sila na ipoprovide. Meron din ihawan at kung gusto nyong manood ng movie outside may projector sila (with additional cost)


Bukod sa animals, may fruits & vegetables din sila. Ikaw mismo ang mamimitas or kung gusto mo ipapitas na lang kay kuya (isa sa caretaker nila) . Nung pumunta kami, suha at dalandan lang ang available nila. 

Regarding sa food, pwede kang magdala ng lulutuin at iluto sa kitchen nila or you can ask ateng caretaker na ipagluto ka (pero syempre, wag kalimutan magbigay ng tip). Meron din silang mini store kung may nakalimutan kang bilhin.

All in all, sobrang relaxing ang pag stay namin sa Numana Farm. Mabait ang owner, Ms. Amy and also ung mga caretaker nya.

Sa isang bagay lang ako na sad, ung kumot nila ay manipis. Mas masarap sana matulog kung may comforter. :) Pero bukod nun thumbs up lahat! 

Nung ma experience ko ang farm nila mas lalo tuloy ako na excite na magkaron ng sariling farm. Hopefully someday! :)

Kung gusto nyo mag stay sa farm nila, check nyo lang sa Airbnb. Nasa around 2k+ in pesos ang Kubo.