Sunday, August 25, 2019

Breastfeeding or Formula Feeding? It's your choice! Stop the Mom Shaming!



Walang duda! Wala ng maraming explanation, "Breastfeeding is good for babies."

Alam natin na maraming magandang naidudulot ang gatas ng ina. Kaya nga palaging nirerekomenda ang breastfeeding.

Ako, bilang ina "Yes to breastfeeding ako!" Buntis pa lang ako bumili na kami ng pang pump para pag bumalik na ako sa work makakaipon pa din ako ng gatas.

Pero hindi lahat maraming gatas, hindi lahat kayang masustain ang gatas na kailangan ni baby.

Pagka panganak ko, for 3 days walang milk na lumalabas. Kaya for 3 days formula milk ang naging food ng baby namin. Masakit sakin, kasi hindi un ang gusto ko. Palagi ko pa rin pinapadede sakin si Rema kahit walang lumalabas and after that nagkaron na ako ng gatas.

For 3 months exclusive breastfeeding ako. Kahit nasa office ako, nagpa pump pa rin ako para may maiuwing gatas. Pero nung 4th month na, since lumalakas na ang pagdede ni Rema kinukulang na ako sa gatas. Ang nangyayari, sa umaga ung na pump kong milk ang gatas nya, pag kinapos na sa hapon formula na sya and then direct na dede na sakin pag gabi.

Almost 6 months na sya nung mag full formula feeding. Pero sa gabi sakin pa din dumedede. Till now, 2 years & 3 months na sya pero may time na dumedede sya sakin. Hindi na nga lang kaya na makapagpabusog sa kanya, after nya mag formula milk dun na sya mag dede sakin.

Tayong mga ina, yung best ang palaging gusto para sa anak natin. Kaya nakakasama ng loob na may mga nag MOM Shaming, dahil hindi breastfeeding. Choice natin to! May reason tayo sa ginagawa natin. Kung ikaw ay pinagpala sa gatas, share your milk, share your knowledge pero stop to Mom shaming.

Note: May mga nababasa ako na parang ang samang tao na nung mga nanay na nag formula feeding sa mga anak nila. Let's all be positive, please! :)

No comments:

Post a Comment