Tuesday, August 20, 2019

Postpartum Depression

Postpartum depression (PPD) /Postnatal Depression

Karamihan sa mga bagong panganak lalo na sa mga bagong ina ay nakakaranas ng Postpartum Depression.

Dati naririnig at nababalitaan ko lang yun, may mga worst scenario pa kaya medyo nakakatakot din talaga.

After ko manganak, hindi ko naiisip or iniisip ang PPD. But after weeks napansin ko sa sarili ko na very emotional at sensitive ako. At the same time nag se-self pity ako, pakiramdam ko ang pangit ko na, pakiramdam ko napapabayaan ko na asawa ko.

Nung buntis kasi ako, first 2 months lang ako nahirapan dahil hindi ako makakain but after that from breakfast to dinner ang paghahanda ko para sa husband ko. Kaya nung hindi ko na un magawa naiba na talaga ang mood ko.

Konting bagay nagtatampo at inaaway ko ang husband ko and then one day habang umiiyak ako kinausap ko sya. Sinabi ko sa kanya ung nararamdaman ko. Good thing about him, he understands me.

Kaya sa lahat ng mommies, hindi masamang pag usapan ang "Postpartum Depression". Hindi naman natin to ginusto or nag inarte lang. After kasi natin manganak, parang may malaking bagay na nawala sa atin. Nasanay tayo for 9 months na may dala sa tyan natin kaya nung nawala yun, parang nakakapanibago.

Kaya malaking bagay na may makakausap ka regarding sa nararamdaman mo. Kung sa palagay mo may bago sayo, kausapin mo ang husband mo. Bukod sa magaan sa pakiramdaman, atleast may idea sya sa nararamdaman mo. At kung wala ang husband mo, talk to your parents/siblings etc.

Pinaka importante bilang ina ay ang maalagaan natin ng maayos ang baby natin. Kaya dapat physically and emotionally ok tayo. 


For more information and guidance regarding Postpartum, you can visit this link: https://www.webmd.com/depression/guide/postpartum-depression#1


 

No comments:

Post a Comment